?

Log in

 
 
15 March 2009 @ 11:53 am
nauubusan na ng sasabihin sa iyo; isang mahawagang repost mula sa alabapoy  
high school

ah, high school. ang pinaka-kinamumuhian kong bahagi ng buhay ko.

kung nabuhay ka tulad namin na walang ibang ginawa kundi magbulakbol simula noong unang araw na tumapak sila sa lupain ng mahiwagang mundo ng high school, umibig, na-basted, nagmukmok, nagpanggap na matalino, napahamak, nag-walkout sa klase dahil sa lecheng guro, hindi nagpasa ng assignment, kinalimutan ang projects, ginago ang mga kaibigan, ginago ng mga kaibigan, at nakaranas ng marami pang ibang kabalbalan, sana ay magustuhan mo 'to.

ito ay ilan sa mga awiting pinakinggan ko noong ako'y isa pang mumunting batang ginagago ang buong mundo habang iniisip nilang siya ang kanilang ginagago. naisahan ko sila habang iniisahan nila ako.

mga awit ng pagkabigo at pagpapapansin at kung anu-ano pa ang tema ng buhay ko, buhay ng mga nakasama ko, apat na taon ng ka-jologs-an noong mahigit-kumulang na apat na taon bago ang araw na 'to.

naglalamig na ba ang pag-ibig mo sa'kin, giliw? )

kung nagkaroon kayo ng problema sa pagkuha ng mga kanta, mag-iwan lamang ng mensahe at aayusin ko ito kaagad. kung sa tingin ninyo, may kulang dito, gtfo dahil buhay high school ko 'to. gumawa ka ng sarili mo. j/k.
 
 
♥♥♥♥: nostalgic
♫: SHINee - Replay